Tuesday, December 14, 2010

Grazilda Episode 66

Wahooo!!!!!
Ang ganda ng Grazilda kagabi..... puno ng excitement!!!!!!!!!!
Gusto nyo malaman kung ano ang nangyari kagabi sa Grazilda? Heto yun:

Previously:
Nagkita na sina Fernando at si Matilda, at nalaman ni Fernando na anak nya si Grazilda.

Continuation:
Itinakas ni Fernando si Matilda sa abandonadong bahay. Si Grazilda naman, kasama sina Fairy Godmother at Jikjik, ay pupunta na sana sa abandonadong bahay pero nakita ni Grazilda si Fernando na kasama ang kanyang nanay palabas ng abandonadong bahay. Pero sa kasamaang palad ay hinarang ni Cindy sina Grazilda, Fairy Godmother at Jikjik. Sinabi ni Cindy kay Grazilda na pinapaaresto daw umano ni Fernando si Matilda, which is hindi totoo. Ang hirit tuloy ni Grazilda, "Huwag na huwag mong idadamay sa away natin ang aking ina." Doon nagsimula ang muling bangayan nila Grazilda, Cindy, Tonette, Fairy Godmother at Jikjik. Pero, may balak si Cindy na hampasin si Grazilda ng dos-por-dos. Buti na lang at inilabas ni Fairy Godmother ang kanyang kapangyarihan kung saan tinangay ng ipu-ipo sina Cindy at Tonette kung kaya't inabisuhan ni Fairy Godmother sina Grazilda at Jikjik na umalis na sa lugar na iyon.

Samantala, nakita ni Veronn sina Fernando at Matilda na magkasama. Sinabi tuloy ni Fernando kay Veronn na illegal detention ang ginawa ni Veronn kay Matilda, at agad na pinasakay ni Fernando si Matilda sa kanyang sasakyan at saka umalis. Pero itong si Veronn, major major desperado na at inatasan niya ang kanyang tauhan na habulin ang sasakyan ni Fernando. Agad pinaputukan ng tauhan ni Veronn ang kanyang baril pero nainis naman itong si Veronn at sinabing habulin ang sasakyan ni Fernando at hindi barilin.

At night....

Pumunta sa isang hotel sina Fernando at Matilda, kaya nga lang, nandoon din ang tauhan ni Veronn. Nakita ni Fernando ang tauhan ni Veronn kung kaya't dali-dali syang bumalik sa loob ng hotel. Pagkaraan ng ilang oras, pumunta naman sina Veronn at Cindy para hanapin ang kwartong tinuluyan nina Fernando at Matilda. Sa kasawiang palad, wala doon sa isang kwarto ang kanilang hinahanap (iyon ang kwartong tinuluyan nina Fernando at Matilda). Samantala, naghanap ng taksing masasakyan sina Fernando at Matilda para takasan sina Veronn at Cindy.